HOLY WEEK SPECIAL
HOLY WEEK SPECIAL Ang Semana Santa ay nakaugalian na ng mga Pilipino. Ito ay pinangungunahan ng Simbahang Katoliko na idinaraos taon-taon. Ayon kay Marijel Paca-anas, “ bilang miyembro ng simbahang katoliko, naging parte na ng aming pamilya ang magdiwang ng semana santa at ang magnilay-nilay sa panahong ito. Ito ang mahahalagang araw na kung saan tayo ay tinubos nang ating Panginoong Hesukristo mula sa mga kasalanang ating ginawa. Panahong dapat nating bigyan ng halaga dahil sa kanyang pagsasakripisyong ginawa para sa ating lahat.” Dagdag pa niya, “mula Lunes hanggang Miyerkules Santo nagkakaroon ng pakumpisal sa mga simbahan na isinasagawa mula alas-otso hanggang alas-diyes ng umaga. Bilang pagsasabuhay ng mga pangyayari noon bago mamatay si Kristo upang matubos tayo mula sa mga kasalanang ating ginawa, may labindalawang kalalakihan ang pinili sa aming lugar upang kumatawan sa labindalawang disipulo ni Kristo.” Ito ay nagpapakita na ang ating pang...