KAHIRAPAN
“KAHIRAPAN”
Bakit marami paring bansa ang mahirap?
Ang kahirapan ay isa sa mga malalaking suliraning kinakaharap ng ating bansa sa
kasalukuyang panahon. Ito ay nagdudulot ng labis na pahirap at pasakit sa mga
mamamayan na nagiging balakid sa pag-angat ng ating bansa. Higit sa dalawampu’t
limang porsyento ng ating populasyon ay nabibilang sa mahihirap na mamamayan
ayon sa isang website na Richest Lifestyle. Talamak ito sa mga
rural na lugar lalo na sa ilang bahagi ng Mindanao at sa mga islang matatagpuan
sa Samar. Ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansang may mataas na bilang ng
kahirapan. Ang kahirapan ay parang isang malubhang sakit na tila ay wala na
itong lunas kahit ano pa ang gawin n gating pamahalaan. Ano nga ba ang sanhi ng
kahirapan na hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nabibigyan ng solusyon? Narito
ang ilan sa mga dahilan na nagdudulot at nakakadagdag ng kahirapan sa
Pilipinas:
“Ang Salot sa lipunan”
Ang
una sa listahan ay ang korapsyon, ang korapsyon ay isa sa mga dahilan at
nagiging ugat ng kahirapan dito sa Pilipinas. Ito ay nagsisimula sa mga corrupt
na opisyal mula sa iba’t ibang sangay ng gobyerno. Ang isang kandidato ay
tatakbo upang maloklok sa posisyon. Sa simula ng kanyang termino ay gagawa siya
ng mga bagay na kaaya-aya at kalugod-lugod sa paningin ng kanyang nasasakupan.
Kalaunan pagkatapos niyang mahalal sa posisyon ay magsisimula na itong gumawa
nang katiwalian katulad ng pangupit sa kaban na dapat sana para sa gagawin na
proyekto. Gagawin niya ito para mapanatili siya sa kanyang posisyon at higit sa
lahat para maiangat ang estado ng kanyang pamumuhay. Ang korapsyon ay isang
gawaing lumalabag sa norm ng lipunan kung kaya’t nagiging deviant behaviour
ito. Ang korapsyon ay hindi lamang nagaganap sa mundo ng politka maging sa
paaaralan ay nangyayari rin ito. Ang magkuha ng bagay na hindi sayo lalo na
kung wala kang pahintulot galing sa may-ari ay masasabi na itong korapsyon. Ang
corruption o korapsyon ay salot, isa sa pinakamalaking suliranin sa ating
lipunan at ang may pinakamalaking ambag sa sangay na nakakaapekto ng kahirapan.
Ang
Pilipinas ay isa sa mga bansang higit na naaapektuhan ng korapsyon at ito rin
ay nagdudulot sa mabilis na paglobo sa bilang ng kahirapan. Dahil sa mga
tiwaling opisyal ng gobyerno ay hindi nabibigyan ng sapat na atensyon ang mga
mahihirap nating mga kababayan. Ang mga nasa posisyon ay ang higit na
nakikinibang sa mga proyektong isinisagawa ng gobyerno katulad ng pabahay mula
sa National Housing Authority, imbis
na high standards dapat ang gagamitin
na mga materyales sa mga pabahay ay pinapalitan nila ito ng low standards. Sa paraang ito ay
makakatipid at malaki ang kanilang “ginansiya”. Ang mga makakatanggap ng mga
pabahay na ito ay maapektuhan ng sobra habang ang nasa posisyon ay
nagpapakasarap. Batay sa mga halimbawa na aking inilahad, nagkakaroon ng hindi
pagkakaunawaan sa pagitan ng nakatanggap ng pabahay at sa nagplano nito,
tinatawag itong Conflict Theory dahil
sa hindi pantay na distribusyon at nagkakaroon ng malaking pagitan sa dalawang
partido.
Ang
mga programang isinasagawa ng gobyerno para sana makatulong sa mga mahihirap ay
nagiging daan pa ito para ang mga nasa posisyon ay mangurakot at mangutong sa
pundong inilaan para sa mga proyekto ng ating pamahalaan. Ang lahat ay
obligadong magbayad ng saktong buwis ngunit ang nangyayari lalo na sa mga
malalaking kompanya nagkakaroon ng negosasyon sa pagitan ng nangugulikta ng
buwis at sa nagbabayad ng buwis kaya nagkakaroon na naman ng korapsyon. Hindi
lamang ito totoo sa makro na aspekto ngunit nangyayari din ito sa mga maliliit
o micro na kalagayan. . Ang corruption ay hindi lamang nangyayari sa mga sangay
ng pampublikong pamahalaan ngunit pati na rin sa mga pribadong pamahalaan.
Habang
tumatagal ang pagresolba sa korapsyon ay palala ito ng palala. Sa mga
pangyayaring ito nalalabag ang Evolutionary
Theory kung saan dapat umangat ang ating pamumuhay ay lalo pa tayong
hinahatak pababa dahil sa korapsyon. Nagiging hadlang din ito sa mga
magagandang pagbabago na makakatulong sana pag-unlad ng ating bansa.
Ang mga mahihirap lalong humuhirap ang mga
mayayaman lalong yumayaman. Ang corruption ay hindi dapat konsentihin ng
nakararami, bagkus ay dapat mabigyan ng kaukulang parusa ang sino mang gagawa
nito.
-Rosemarie Balute
''Ang
edukasyon ay susi tungo sa kaunlaran''
Ang
pangalawa ay ang kakulangan sa tama at pormal na edukasyon. Karamihan
sa mamamayan ng ating bansa ay 'di sineseryoso ang kahirapan bilang isang
malaking suliraning ating kinakaharap ngayon. Ito ay dulot rin nang kakulangan
ng edukasyon ng marami sa myembro ng ating komunidad lalong-lalo na yung mga
nabibilang sa mga mahihirap na lugar. Bakit nga ba ang kakulangan ng edukasyon
ay nagiging sanhi ng paglala ng kahirapan sa ating bansa?
Ang kakayahang makapagbasa at
makapagsulat ay kabilang sa mga pangunahing qualipikasyon upang matanggap sa
isang matinong trabaho. Ngayon kung walang kakayahan ang isang tao ay tiyak na
mahihirapan siyang makahanap ng trabahong may matinong kita. Hindi lahat
nagkakaroon ng opurtunidad na makapag-aral. Ayon sa pag-aaral, sa 2/3 na
kabilang sa mahihirap na pamilya, ang haligi ng tahanan ay kadalasang elementarya
lang ang napagtapusan. Ang iba pa sa kanila ay hindi nakapagtapos ng
elementarya at hanggang ikatlong baitang lamang ang naabot nito. Dahil dito,
hindi na sila natutong magbasa at magsulat (kahit na pwede pa rin silang matuto
sa bahay, iba pa rin ang makapag-aral ka sa isang paaralan). Kadalasan ang
nagiging kita nila sa kanilang hanapbuhay ay hindi sapat para matustusan ang
pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya. Hindi nila batid kung ano ang
kanilang gagawin upang mapakain ang kanilang pamilya tatlong beses sa isang
araw lalo na kung kulang na kulang ang kanilang kinikita. Ito ay naguudyot sa
kanila na gawin ang mga bagay na labag sa batas at pagiging ignorante dito
tulad ng pagnanakaw. Kung mayroon lamang silang sapat na edukasyon, mas madali
sana silang makahanap ng trabaho na ang kita ay sapat upang mabili ang kanilang
pang araw-araw na pangangailangan. Kung sapat lamang ang kanilang kaalaman sa
kung ano ang nangyayari at mga pagbabagong nagaganap sa ating lipunan, sa
kanilang mga karapatan at responsibilidad bilang mamamayan ng bansa, wala sana
sa ating napagiiwanan ng panahon at mas madaling aasenso ang ating bansa at
mawawala ang kahirapan.
Ang edukasyon ay mahalaga upang maiahon ang bawat pamilya sa mga pasakit
na dulot ng kahirapan. Kung ang lahat ng mga pilipino ay may sapat na edukasyon
lamang, maraming kaisipan ang magtutulong tulong upang mawalan ito (ang
kahirapan), mas madaling masosolusyunan ang problemang kahirapan na ating bansa
at ang kaunlaran ay atin sanang malalaman. Ngayong libre na ang pag-aaral, sana
ito'y para nga sa lahat at hindi para sa iilan lamang,Ika nga''education is for
all". Sapagkat ang kaunlaran ay di para sa mayayamang pamilya lamang,
kundi ito'y para sa lahat ng mga mamamayang parte ng lipunang ating kinabibilangan.
Sa
perspektibo ng teoryang panksyunal(functionalist theory)ay idinidiin ang
ginagampanan ng edukasyon sa pagkukumpuni ng iba't-ibang pangangailangan ng
bansa. Ang paaralan ay isang mahalagang instrumentong kinakailangan upang
mahasa ang kakayahan ng isang tao na magagamit sa pag-aaply ng trabaho lalo na
kung nakapagtapos ng kolehiyo. Ang paaralan ay nagsisilbing lugar kung saan
nangyayari ang sosyalisasyon sa pagitan ng guro at ng mga estudyante at mga
estudyante sa kapwa nila estudyante na makatutulong mahasa ang kaalaman ng
isang tao. Dahil dito, kung nakapagtapos ka ng kolehiyo, mas madaling makahanap
ng matinong trabaho na may maayos na kita dahil nangangahulugan itong may sapat
kang kaalaman at kakayahan kaysa dun sa nakapagtapos lamang ng elementarya at
sekundarya. Ngunit hindi ito ang palaging kaganapan dahil sa kasalukuyan, kahit
nakapagtapos ka ng kolehiyo, ang iyong kursong napagtapusan ay hindi tugma sa
kung ano ang kailangan ng bansa. Dahil dito nagiging isang "social
problem" ang edukasyon. Halimbawa na lamang nakapagtapos ka ng nursing
ngunit hindi ka makakapagtrabaho agad bilang nurse sapagkat ang bansa ay mas
nangangailangan ng mga guro kaysa mga nurse(ang demand ng bansa sa mga nursing
graduates ay konti sa panahong siya'y nagtapos). Ang kalalabasan ay ibang
trabaho ang mapapasukan at nawawalang halaga ang kursong napagtapusan. Ang iba
nama'y nangingibang bansa na lamang at kadalasa'y ibang trabaho na ang
napapasukan(nagiging caregiver at babysitter). Ang nagiging epekto naman nito
sa bansa ay mababawasan ang ating mga magagaling na eksperto at mas malalang
problema dahil sa imbes na makakatulong sila sa pagsugpo nitong mga problemang
kinahaharap natin hindi na lamang dahil sa umaalis sila sa bansa para kumita at
doon na minsan naninirahan. Ang pagkakaroon naman ng sapat na edukasyon,
pagiging magaling sa pakikipagkomunikasyon gamit ang ibang linggwahe ay kanila
ding nagagamit sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa.
-Marijel
Paca-anas
“Sapat na Trabaho ang kinakailangan”
Ang pangatlo na nagdudulot ng matinding
kahirapan ay ang kakulangan ng trabahong pwedeng mapasukan. Ang kahirapan sa
Pilipinas ay laganap pa rin sa panahon ngayon dahilan sa kakulangan ng magandang trabaho ayon sa National Economoc and
Development Authority (NEDA).
Sabi ng Asian Development Bank (ADB)
Philippines Senior Economist na si Norio Usui, dapat pagtuunan nang pansin ng
gobyerno ang mga pangunahing pangangailangan na ang paggawa ay nangangailan ng
maraming trabahador. Lakip nito ang mga sumusunod: Synthetic o yung paggawa ng
mamahaling abubot, pianos at tsaka mga string musical instruments, knitted,
bolpen at lapis, small-wares at mga gamit na matatagpuan sa banyo, tela, orasan
at relo, porselana, camera at flashlight, isda na pinatuyo, inasinan o
pina-usukan, mga gamit sa pananahi, electrical line telephonic, TV at radyo,
harina, mikropono at speakers. Sapagkat magbubukas itk ng maraming opurtunidad
sa mga Pilipino na magkaroon ng trabaho. Malaking bagay ito para masulusyonan
ang kahirapan at dahan-dahan itong masugpo.
Hindi lamang trabaho ang kailangan kundi ang
trabahong mataas ang sweldo at produktibo sabi rin ni Mr. Usui. Marapat lang na
ang hahanaping trabaho ng mga Pilipino ay malaki ang sweldo par a naman
masabayan din angpamahal na pamahal na mga bilihin na siyang kinakailangan ng
bawat pamilya sa Pilipinas. Ngunit kung malaki man ang sweldo ang hanap ay
kinakailangan din na ang aplikante ay may kasanayan at karanasan sa trabahong
kukunin. May iba rin na nangingibang bansa dahilan sa mas malaki ang pasahod doon
kaysa sa Pilipinas. Oo man at malaki ang pasahod pero ang malayo naman sa
pamilya ang nagiging problema dahil sa ugali ng mga Pilipino, ang "Closed
Family-ties" na may iba ay umuuwi kaya ang iba ay nagtitiis na lang sa
Pilipinas sa kakarumpot na sweldo kaysa makipag-sapalaran sa ibang bansa.
Trabaho ang siyang bumubuhay hindi
lamang sa pamilya bilang pinakamaliit na yunit ng lipunan kundi pati na rin sa
ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan nang pagbabayad ng buwis. Sa isang
pamilya, ang haligi ng tahanan ang siyang responsable na sustentuhan ang
pangangailangan ng pamilya. Ang ilaw ng tahanan naman ang siyang nag-aalaga ng
bahay. Pero sa panahon ngayon uso na ang Dual Career o dalawa na silang
naghahanap-buhay at yung nanay lang ang may trabaho at sa bahay ang tatay.
Kahit na may trabaho na ang dalawa, kung hindi rin naman ito maganda,
permanente o mataas ang sahod ay kulang na kulang pa rin, lalo na kung malaki
ang pamilya. Karamihan sa mga trabaho ngayon ay panandalian lang na kaylangan
mag-aplay ulit. Sa mga ganoong sitwasyon ay walang kasiguraduhan ang
kinabukasan ng isang pamilya.
Apektado rin dito hindi lamang ang mga
magulang kundi pati na rin ang mga nagtapos ng kolehiyo na ngayon ay naghahanap
ng trabaho. Isa rito ay ang hindi pagtutugma ng kursong tinapos at ang
bakanteng trabaho. Pabago bago rin kasi minsan ang nababakanteng trabaho kada
taon dahil sa nakakamit ito ng mga bagong graduates at yung susunod naman ay
mamomroblema ng trabahong hahanapin. Sunod ay ang hindi pagtutugma ng mga katangian
sa Bio-data ng mga naghahanap ng trabaho sa hinihingi ng kompanya katulad ng
may sinusunod na edad at may karanasan at kaalaman na sa trabaho.
-Louie
Jay Adenit
“Nakakabuti
o Nakakasama?”
Ang
pang-apat at panghuli sa aming nakikitang dahilan kung bakit laganap pa rin ang
kahirapan ay ang overpopulation. Ang Overpopulation
sa Pilipinas ay isa sa dahilan ng kahirapan sapagkat ito’y nagdudulot ng
kakulangan sa distribusyon ng likas na yaman at kawalan ng trabaho dahilan ng
lumalaking kompetisyon sa ekonomiya. Ang mabilis na paglobo ng ating populasyon
ay hudyat ng malaking demand para sa pang-araw-araw nating pangangailangan.
Kung ating mapapansin sa paglipas ng panahon, ang ating mga ninuno ay kumukuha
ng mga pagkain sa kapatagan, bukid, dagat o kagubatan. Ngunit dahil sa paglaki
ng populasyon, ang ating kapatagan na dating pinagkukunan ng mga pagkain ay
mistulang mga subdivision na ngayon o ang iba na man ngayon ay imbakan ng mga
basura. Ang dating dagat na puno ng ibat-ibang klase ng isda ay kalimitan na
lamang ngayong makita sapagkat ito’y naabuso na maraming tao upang punan ang
mga pangangailangan.
At
dahilan na rin ng paglaki ng populasyon, ito’y nagdulot ng matinding kompetisyon
sa ekonomiya kabilang dito ang paghahanap ng trabaho. Kung tutuusin, maraming
trabaho ang mahahanap sa ating bansa ngunit kulang o hindi kuwalipikado para sa
posisyon. Kalimitan sa ating mga Pinoy ay pumupunta na lamang sa ibang bansa
upang doon makipagsapalaran. Pero kadalasan naman ay sa halip na maghanap ng
matinong trabaho ang iba ay nagtutulak na lang droga, ang iba naman ay
pumapasok sa prostitusyon o kaya’y nagbebenta ng mga bata o sanggol.
Ang
lumalaking populasyon ay isang banta sa kahirapan ng ating bansa sapagkat ito’y
nagdudulot ng isang napakalaking problema na kinakailangang bigyan ng masusi,
agaran at matalinong pagpapasya.
-Isaac
Obseñares
Ang
korapsyon ay higit na nakakadagdag sa bilang ng kahirapan dito sa ating bansa.
Itinuring itong salot sa ating lipunan dahil sa paglabag nito sa batas na
nagbabawal sa mga gawaing ito na inilahad sa ating konstitusyon. Ang kakulangan
naman sa sapat na edukasyon ay isa rin sa mga dahilan kung bakit ang ilan sa
ating mga kababayan ay hirap maidaos ang kanilang pamilya sa araw-araw. Sa
kadahilanan na walang matinong trabaho ang nakalaan para sa kanila dahil hindi
ito nakapagtapos sa pag-aaral. Para maiangat ang katayuan hindi lang maraming
trabaho ang kailangan kundi trabahong mataas ang sweldo at produktibo. Sa
patuloy na pagtaas ng populasyon ay kasabay rin nito ang pagtaas sa bilang ng
kahirapan. Dahil na rin sa marami nang mga tao ang mangagailangan ng tirahan
ang mga lupa sana na dapat ay pagtataniman ay pinaglalagyan na ito ng mga
kabahayan.
Ang
mga dahilang inilahad sa taas ay nagpakita lamang kung bakit ang kahirapan ang
nagiging sanhi sa malaking bilang ng kriminalidad sa Pilipinas. Dahil sa
kakulangan ng tamang kaalaman sa paghahanap ng ibang mapagkukunan ng kabuhayan
ay mas pinipili nila ang madaling paraan para kumita kaya nakakagawa sila ng
mga bagay na hindi maganda katulad ng pagnanakaw, panghoholdap, ang iba ay
pumapasok sa prostitusyon, nagbebenta at gumagamit ng bawal na gamot at iba
pang mga krimen sa kadahilanang ito ang magiging solusyon sa kanilang mga
problema. Kumakapit sila sa patalim para mairaos ang kanilang mga pamilya sa
araw-araw.
Ang
maging mahirap ay hindi kasalanan, pero ang gawing dahilan ang pagiging mahirap
upang gumawa ng masama ay hindi ito katanggap-tangap at nararapat. Bagkus dapat
tayo magsumikap para mapaganda ang ating buhay at huwag palaging umasa at
maghintay lamang sa maaaring ibigay na tulong mula sa ating gobyerno, ang
maiangat ang ating mga sarili mula sa kahirapan.
Nararapat
lang na magpatuloy sa paglunsad ang gobyerno ng mga programa at proyekto para
makatulong sa ating mga kababayan hindi sa lamang pinansyal na pangangailangan.
Hikayatin natin silang gumawa ng paraan para masolusyunan ang kani-kanilang mga
problema. Huwag palaging aasa sa “Bahala Na” na siyang palaging tugon at sagot
sa ating mga problema. Sabay-sabay tayong tumayo at kumilos gamit ang sarili
nating mga paa at unti-unti nating puksain ang kahirapan. Walang maiiwan kung
walang magpapaiwan.
Sapagkat ang kaunlaran ay hindi lamang
para sa iilan kundi para sa lahat ng mamamayan ng Pilipinas. Tuluyan lamang na
mabubura ang kahirapan kung wala na kahit isang mahirap na mamamayan.
THANK YOUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUU
TumugonBurahin