HOLY WEEK SPECIAL
![]() |
HOLY WEEK SPECIAL |
Ang Semana Santa ay
nakaugalian na ng mga Pilipino. Ito ay pinangungunahan ng Simbahang Katoliko na
idinaraos taon-taon. Ayon kay Marijel Paca-anas, “bilang miyembro ng simbahang katoliko,
naging parte na ng aming pamilya ang magdiwang ng semana santa at ang
magnilay-nilay sa panahong ito. Ito ang mahahalagang araw na kung saan tayo ay
tinubos nang ating Panginoong Hesukristo mula sa mga kasalanang ating ginawa.
Panahong dapat nating bigyan ng halaga dahil sa kanyang pagsasakripisyong
ginawa para sa ating lahat.”
Dagdag pa niya, “mula Lunes hanggang Miyerkules Santo
nagkakaroon ng pakumpisal sa mga simbahan na isinasagawa mula alas-otso
hanggang alas-diyes ng umaga.
Bilang
pagsasabuhay ng mga pangyayari noon bago mamatay si Kristo upang matubos tayo
mula sa mga kasalanang ating ginawa, may labindalawang kalalakihan ang pinili
sa aming lugar upang kumatawan sa labindalawang disipulo ni Kristo.”
Ito ay nagpapakita na ang ating panginoong Hesukristo ay
mapagkumbaba at ‘di kailanman naging gahaman sa kapangyarihang mayroon siya.
Kaya ang pagpapakumbaba ay siyang dapat din nating gawin.
Ang araw naman ng Biyernes (Biyernes Santo) isinadula ang
huling hapunan o Last Supper kabilang
ang pari (bilang si Kristo) at ang 12 apostoles. Ipinapakita nito ang huling
hapunan ni Kristo bago siya namatay. Pagkatapos ay ang “Vigil” na kung saan ang
mga miyembro ng simbahang katoliko ay nagkakaroon ng kanya-kanyang skedyul kung
kalian sila magbabantay sa patay na katawan ni Hesukristo. Ito ay nagsimula ng
alas-7 hanggang alas-12 ng hating gabi at ito ay sinasabayan ng pag-rorosaryo.
Sa araw ng Sabado (Sabado de Gloria) ng madaling araw
isinasagawa naman ang “Station of the Cross.” Nagkakaroon ng “prosisyon” kung
saan sa bawat estasyon na mapupuntahan ay humihinto at lumuluhod at may
binabasa ang isa sa mga apostoles sa kung ano ang nangyari kay Hesukristo sa
estasyong iyon (pagsasadula sa mga nadaanan o napuntahan ni Hesukristo bago
siya makarating sa lugar kung saan siya ipapako). Kinagabihan naman ng Sabado
ay ang pagbasbas ng kandila at tubig at ang “pagsugat” ang muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo.
Pagkatapos ng misa (madaling araw na) ay nagkaroon ng pagsasadula sa pagkikita
ni Hesus at Birheng Maria. Nagkaroon ng prosesyon (hiwalay ang mga lalaki at
babae; nakaitim ang mga babae at nakaputi naman ang kalalakihan) magtatagpo ang
kanilang landas sa isang lugar at doon na magpupugay ang lahat sabay ng
pag-awit ng mga anghel (kinabibilangan ng mga batang babae na pinili sa lugar
upang kumatawan sa mga anghel) sabay ng pagsboy ng mga bulaklak. Ito na ang
itinatawag na “Easter Sunday.” Pagkatapos nun ay nagkaroon ng pakain at
paghahanap ng mga “easter eggs” at ang makakita ng mga ito ay may premyo.
Kinaumagahan ay pagligo sa dagat bilang parte ng kasiyahan.
Lahat
ng iyon ay naging parte na ng Kultura ng mga Katoliko sa aming lugar na
isinasagaw sa aming lugar sa tuwing kasagsagan ng Semana Santa. Ito ang tamang
panahon (pero nga dapat araw-araw) upang matuto tayong magpasalamat sa
panginoon at pagsisihan ang lahat ng ating mga nagawang kasalanan.
Ayon
naman kay Isaac O. Obse
,
“Ang pagdiriwang ng Semana Santa o Mahal na Araw sa bayan ng Alangalang ay
naaayon sa mga kaugalian at tradisyon. Batay sa aking na obserbahan, sa
pagdiriwang nito ay kaakibat ang mga kaugaliang mag ‘’Pu-asa’’ o ang hindi
pagkain ng karne at pagsakripisyo ng mga bagay na kinaugalian at sa halip ay
manalangin at puriin ang Panginoong Mahal. Sa halip na kumain ng karne ay mga
tao ay kumakain lamang ng mga rootcrops,
ginataan o kung maaari ay tubig
lamang. Sa buong linggo ng pagdaraos, kinaugalian ang pagkakaroon ng ‘’Station of the Cross’’ kung saan dito
ipanapakita ang paghihinagpis at sakripisyo ni Hesukristo bilang pagtubos sa
ating mga kasalanan. Kasabay ng pagdaraos na ito ay ang pagkakaroon ng Film Showing sa araw ng Good Friday at Black Saturday. Sa araw ng Biyernes o kung tawaging Good Friday ay ginaganap ang Siyete
Palabras o The Last Seven Words of Jesus
Christ. Nagkakaron din ng paghalik sa imahi hi Hesukristo tuwing pagkatapos
ng misa. At ang iba na man ay nagpupunta sa bukid ng Palo upang doon
mag-Station of the Cross. Halos lahat ng tao sa linggong ito ay bakante sa
trabaho upang mag pahinga at upang magsimba sa araw-araw na misa. Sa pagdating
ng huling araw ng Semana Santa na kung tawagin ay Linggo ng Pagkabuhay ni
Hesukristo ay maraming tao ang pumupunta sa simbahan upang ipagbunyi ang
kanyang pagkabuhay. At kaakibat sa araw na ito ay ang pagkakaroon ng family bonding kung saan ang pamilya ay
pumupunta sa dagat o kaya swimming pool.
![](file:///C:/Users/17/AppData/Local/Temp/msohtmlclip1/01/clip_image002.png)
Batay
naman sa obserbasyon ni Rosemarie V. Balute, na sa tuwing idinaraos ang Semana
santa sa kanilang lugar ay nagkakaroon ng ibat ibang mga gawain tulad ng;
pagbisita Iglesia, pag-akyat sa bukid para mag-station of the cross at higit sa
lahat dapat ang lahat ng miyembro ng pamilya ay nasa loob ng bahay lang. Dagdag
pa niya, ang kultura ay nag-iiba sa paglipas ng panahon. Kung dati mayroong
istriktong pagsunod sa mga paniniwalang ito katulad ng hindi pagkain ng karneng
baboy tuwing biyernes santo at bawal maligo tuwing huwebes at biyernes santo.
Sa tuwing sasapit ang linggo ng pagkabuhay ay naliligo sa dagat ang kanilang
pamilya at sila rin ay nagdiriwang dahil nabuhay muli ang ating poong maykapal
mula sa pagsasakripisyo niya para tayo matubos sa ating mga kasalanan. Basi sa
kanyang nasaksihan at naranasan, habang sila ay lumalaki unti-unting nawawala
ang mga kasanayang ito sa kanilang pamilya. Ani niya, ito ay dahil daw sa mga
nagdadagdag na kaalaman ay napapalitan ang mga paniniwalang ito ng bago at hanggang
nakasanayan na.
Batay
naman kay Louie Jay C. Adenit, ang Semana Santa ay ipinagdiriwang ng mga
Katoliko taon-taon upang ibalik-tanaw ang mga Sakripisyo na siyang nagsalba sa
ating lahat. Isa lang ito sa mga tradisyon na ginagampanan ng mga Katoliko dito
sa Pilipinas ngunit sa kada probinsya o lugar dito ay may sariling pamamaran
ang mga tao sa pag-gunita nito pero hindi naman mawawala ang tunay na kahulugan
ng tradisyon.
Sabi
niya, sa may Taft Eastern, Samar, ang lugar ng kanyang lolo’t lola ay simple
lamang ang pagdiriwang ng Semana Santa. Kagaya ng karamihan ay may Estasyon ng
Krus o "Via Crucis" na kung
saan ay lilibutin ang lugar at hihinto kada estasyon at luluhod at sasabat sa
dasal hanggang sa makarating sa simbahan. Ginagawa ito pagkatapos ng misa sa
umaga.
Dagdag
pa niya, ang natatanging paniniwala ng lugar na ito sa tuwing Biyernes Santo ay
ang hindi kakain ng karne nang kung anong hayop. Ang tanging kinakain lang sa
buong araw ay "ginat-an" o
isang klase ng pinatamis na lugaw na may iba't ibang sangkap tulad saging,
kamote, kamoteng-kahoy, gabi na linagyan nang sago at gulaman. Dinadami nila ang
pagluluto dahil kakainin nila ito buong maghapon at binabahagi sa kapitbahay at
sila naman ang magbibigay bilang kapalit. Kaya sa bawat hapag nila ay may iba't
ibang kulay ng ginat-an na sapat sa isang pamilya para kainin sa maghapon.
Nagiiba-iba
man ang paraan sa pagdaraos ng Semana Santa, hindi pa rin maipagkakaila na iisa
lang ang ating sinusunod na kultara, tinatawag itong sub-culture. Iisang paniniwala nag-iiba lang ng paraan kung paano
ito isinasagawa. Ang importante ay batid natin na ang paggugunita ng semana
santa ay ang panahon kung saan binibigyan natin ng kahalagahan ang
pagsasakripisyong ginawa ng ating panginoong Hesukristo upang matubos tayong
lahat sa mga kasalanang ating ginawa.
The Best Casinos in Las Vegas - MapYRO
TumugonBurahinFind Casinos in 김포 출장샵 Las Vegas, NV, 정읍 출장마사지 United States and find 전주 출장샵 an amazing price for 제천 출장안마 the best casino near you. See photos, videos and read real 광주광역 출장안마 customer reviews.